Q & A Pagibig Housing for OFW




Source: Pag-ibig website




1. Ano ang Republic Act 9679 o Home Development Mutual Fund (kilala bilang Pag-IBIG Fund) Law of 2009?


Ang RA 9679 ay ang batas na naglalayong patatagin ang kakayahan ng Pag-IBIG upang makamit ang mga sumusunod na layunin:
  • • Mapabuti ang kaledad ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na pabahay;
  • • Maglaan ng isang pambansang sistema ng pag-iimpok;
  • • Magpakilos ng pondo para sa programang pabahay

2. Paano naiiba ang RA 9679 sa mga naunang batas ng Pag-IBIG?

Una, tinatakda ng RA 9679 ang universal coverage. Ibig sabihin, mas pinalawak ang sakop ng membership, kasama ang mga sumusunod:
  • • mga empleyado at manggagawang kasapi ng SSS at GSIS
  • • mga Overseas Filipino Worker, kabilang na ang mga Tripulante/Seafarer
  • • Unipormadong kawani ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at ng Philippine National Police

Pangalawa, ibinalik ang tax exemption ng Pag-IBIG kung saan tatlong bilyon kada taon ang matitipid ng ahensya. Ngayon,pwede nang ilaan ang halagang ito para sa pabahay at para samas mataas na dibidendo para sa mga miyembro.

Pangatlo, binigyan ng batas ng kapangyarihan ang Board of Trustees ng Pag-IBIG na itaas ang buwanang kontribusyon ng miyembro. Ito ay nangangahulugan ng mas malaking savings para sa miyembro at mas mataas na loan entitlement. Maaari ding mas mataas ang dibidendong ipagkakaloob sa mga miyembro dahil dito. Mula 1986, hindi pa nagtaas kahit minsan ang Pag-IBIG ng contribution rate, habang ilang beses nang nagtaas ng kanilang kontribusyon ang ibang ahensya ng gobyerno.

Sa kasalukuyan, dalawang porsyento ang contribution rate ng miyembro sa Pag-IBIG na naka base sa buwanang kita na P5,000. Nananatili namang P100 ang hinuhulog ng miyembro kahit kumikita siya ng P5,000 o P50,000.

Sa pagtataas ng contribution rate, mas malaki ang magiging buwanang kontribusyon ng mga miyembro na may mas malaking kita, samantalang mananatili sa P100 ang kontribusyon ng mga myembro na nasa lower income bracket.


3. Kailan naging epektibo ang batas?

Naging epektibo ang RA 9679 noong Agosto 27, 2009.


4. Kailan sinimulang ipatupad ang batas?

Ipinatupad ang batas simula noong Enero 2010.


5. Lahat ba ng OFWs ay sakop ng mandatory coverage ng RA9679?

Oo. Ayon sa RA 9679 at Implementing Rules and Regulations nito, kailangan magparehistro sa Pag-IBIG ang lahat ng OFWs, maging land-based o sea-based (marino o nagtatrabaho sa loob ng barko) man.

Sakop bilang miyembro ang isang marino pagkatapos nyang pumirma ng kontrata sa kanyang ahensiya o manning agency na tumatayo bilang employer, ganun din ang dayuhang may-ari ng barko. Bilang employer, mag-aambag ang ahensya ng kaukulang bahagi na dalawang porsyentong kontribusyon, base sa buwanang kita ng marino.

Samantala, kinakailangang magparehistro ng mga landbased OFW bago sila umalis ng Pilipinas o bago bumalik sa kanilang trabaho. Ang mga kasalukuyang nasa ibang bansa ay maaari ring magparehistro sa mga Pag-IBIG Posts.


6. Bakit kasama ang OFWs sa mandatory membership coverage?


Lahat ng nagtatrabahong Pilipino, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay dapat magkaroon ng pantay na pagkakataon na makinabang sa lahat ng benepisyong programa ng Pag-IBIG. Ginawang mandatory ang membership ng OFWs upang mabigyan sila ng pagkakataon na mag-impok at maabot ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.



7. Paano magpa-rehistro ang OFWs sa ilalim ng mandatory coverage?

Pwedeng magpa-rehistro ang OFWs sa mga sumusunod:
  • • Pag-IBIG desks na matatagpuan sa Embahada o Konsulado ng Pilipinas sa labas ng bansa
  • • Pag-IBIG Fund International Operations Group, 6th Floor, Justine Bldg., Gil Puyat Avenue, Makati City
  • • Kahit saang branch o opisina ng Pag-IBIG sa Pilipinas
  • • Pag-IBIG satellite office sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA)
  • • Piling banko at remittance agencies na kinikilala ng Pag-IBIG tulad ng PNB, Metrobank at iRemit Global Remittances Inc.

8. Papaano ang proseso sa pagpapa-rehistro para sa mga dati nang miyembro ng Pag-IBIG sa ilalim ng Pag-IBIG Overseas Program (POP)?


Pwedeng bumisita ang OFW sa mga Pag-IBIG Information Desk na naka base sa Embahada o Konsulado ng Pilipinas upang mag fill out ng Member's Data Form (MDF-FPF0909) o Membership Registration Form (MRF-FPF095). Kung nasa Pilipinas siya, maaaring pumunta sa pinakamalapit na opisina.

Kailangan din mag-update ng kanilang record, lalo na kung may mga naging pagbabago sa kanilang personal na impormasyon.


9. Kung ang isang dati nang miyembro ay magpapa rehistro bilang OFW, ano ang mangyayari sa kanyang kontribusyon?

Pagsasamahin ng Pag-IBIG ang lahat ng kanyang kontribusyon pati ang dati na niyang naihulog. Portable o mananatiling nasa pangalan ng miyembro ang kanyang impok, magpalipat-lipat man siya ng kompanya. Sinisiguro ng Pag-IBIG na ligtas at hindi mawawala ang impok ng miyembro.


10. Ano ang kapakinabangan ng isang miyembro ng Pag-IBIG?


A. Kapakinabangan ng Ipon
  • • Walang buwis na ipapataw sa ipon ng miyembro
  • • Kikita ng karampantang dibidendo na taunang idinadagdag sa ipon ng miyembro
  • • Nanatili ang ipon sa pangalan ng miyembro kahit lumipat siya ng kompanya, mawalan ng trabaho, o maging self-employed
  • • Garantisado ng gobyerno ang ipon, na mababayaran at maisasauli ang mga naihulog na kontribusyon ng miyembro anuman ang mangyari sa Pag-IBIG.

BuwanangHulogKabuuang impok pagkatapos ng 20 taon kung ang itinakdang dividend rate Pag-IBIG Fund ay 5%
P 100P 31,419.33
P 300P 94,259.79
P 400P 125,679.72
P 1,000P 314,199.29
P 1,200P 377,039.15

B. Short-Term Loans (Multi Purpose at Calamity Loans)

Pwedeng umutang para sa mga biglaang pangangailangan bilang pambayad ng tuition, minor home repair, kapital para sa negosyo at iba pa.

Ang sumusunod ay halimbawa kung magkano ang maaring hiramin sa ilalim ng Multi-Purpose Loan (MPL) Program.
 Buwanang Impok/KontribusyonBilang ng Buwanang ImpokMaaaring Mahiram sa Multi-Purpose Loan*
P100 hanggang P30024 hanggang 60 na buwan 61 hanggang 120 na buwanP1,440 hanggang P10,800 P4,270 hanggang P25,200
P400 hanggang P60024 hanggang 60 na buwan 61 hanggang 120 na buwanP5,760 hanggang P21,600 P17,080 hanggang P50,400
P700 hanggang P90024 hanggang 60 na buwan 61 hanggang 120 na buwan
P10,080 hanggang P32,400 P29,890 hanggang P75,600
P1,000 hanggang P1,20024 hanggang 60 na buwan 61 hanggang 120 na buwanP14,400 hanggang P43,200 P42,700 hanggang P100,800
* Ang computation na ito ay base sa employee at employer contributions lamang, at hindi kasama ang taunang dibedendong kikitain ng iyong impok
C. Pondo para sa Pabahay (Housing Loan)
Maaaring gamitin ang housing loan para sa alinman sa mga sumusunod:
  • • pagbili ng lupa;
  • • pagbili ng bahay;
  • • pagpapatayo o pagpapatapos ng bahay;
  • • pagpapaganda o pagkukumpuni ng bahay;
  • • pag refinance ng pagkaka-utang mula sa isang bangko na katanggap-tanggap sa Pag-IBIG Fund; at
  • • kumbinasyon ng mga nasabi.

Loan PackageInterest RateBuwanang Hulog*
P400,0006%P2,398.20
P750,0007%P4,989.77
P1 Million8.5%P7,689.13
P1.25 Million9.5%P10,510.68
P2 Million10.5%P18,294.79
P3 Million11.5%P29,708.74
*Principal and interes lamang
Buwanang Impok/KontribusyonEmployer CounterpartPinakamataas na maaaring mahiram
P100 hanggang P300P100Hanggang P700,000
P400 hanggang P600Higit sa P800,000 hanggang P1.3 milyon
P700 hanggang P900Higit sa P1.4 milyon hanggang P1.9 milyon
P1,000 hanggang P1,200Higit sa P2.0 milyon hanggang P2.5 milyon



11. Magkano ang contribution rate?


Ang kontribusyon ng lahat ng miyembro, kasama ang OFWs, ay base sa sumusunod:
Buwanang kitaPorsyento ng buwanang kita
Kontribusyon ng Empleyado o miyembroKatumbas ng Kontribusyon ng Employer (kung meron)
P1,500 and belowOne percent (1%)Two percent (2%)
P1,500Two percent (2%)
Limang libong piso (P5,000) ang buwanang kita na ginagamit sa pagkuwenta ng kontribusyon. Ibig sabihin, parehong nasa P100 ang pinakamataas na hulog ng miyembro at ng kanyang employer. Gayunman, pwedeng dagdagan ng miyembro ang kanyang hinuhulog kada buwan para sa mas malaking ipon. Kung walang employer ang isang miyembro, maaari niyang akuin o bayaran maging ang employer counterpart.


12. Kailangan bang magbigay din ng karampatang kontribusyon ang isang employer na banyaga?

Hindi kailangang magbigay ng kaukulang bahagi ng kontribusyon ang isang banyagang employer, maliban na lang kung gusto niya .


13. Pwede bang maghulog ang miyembro ng higit sa itinakdang kontribusyon?


Oo. Hinihikayat na maghulog ang miyembro ng higit sa kontribusyong itinakda sa ilalim ng batas. Mas makakabuti sa miyembro ang mag-impok ng mas malaki dahil mas malaki rin ang makukuha niya pagkaraan ng 20 taon o hanggang matapos ang kanyang membership, kasama ang dibidendo na tax- free at garantisado pa ng gobyerno.


14. Saan maaaring maghulog ng kontribusyon?

Maaaring magbayad sa mga kinatawan ng Pag-IBIG na naka base sa mga Embahada o Konsulado ng Pilipinas. Pwede ring magbayad sa alinmang accredited banks o remittance partners. Bumisita lamang sa website ng Pag-IBIG para sa kumpletong listahan ng mga accredited collecting banks and remittance partners.


15. Kung nakapagsimula nang maghulog ng kontribusyon ang isang miyembro bago siya umalis ng Pilipinas, maaari ba niyang ipagpatuloy ang paghuhulog sa ibang bansa?


Oo, kung ang miyembro ay mayroon nang Pag-IBIG MID o membership ID number, ito ang kanyang gagamitin sa paghuhulog. Kung wala naman, dapat magparehistro sa Pag-IBIG para mabigyan ng Registration Tracking No. (RTN) o MID number, alinman ang pwede.


16. Kailangan pa ba ang Pag-IBIG ID para magpa-register o maghulog? Papaano kung walang ID ang magpaparehistro?

Sa kasalukuyan, hindi pa nakakapag-issue ng ID ang Pag-IBIG. Pansamantala, bibigyan muna ang miyembro ng RTN matapos magparehistro. Ito na ang gagamitin niyang number tuwing siya ay maghuhulog ng kontribusyon o mag-aaply ng benepisyo. Pagkatapos nito ay maaaring mabigyan ng MID number ang miyembro na siya niyang gagamitin sa paghuhulog.

17. Kailan maaaring kunin ang kabuuang impok ng isang myembro na nakarehistro sa ilalim ng Pag-IBIG I?

Maaaring kunin ng miyembro ang kanyang kabuuang impok o total accumulated value (TAV) pagkatapos ng 20 taon at pagkatapos niyang maghulog ng 240 na buwanang kontribusyon. Pwede ring ibalik ang kanyang TAV bago sumapit ang 20 taon sa alinman sa sumusunod na kadahilanan:
  • • 15-year optional withdrawal (kailangang ang miyembro ay may 180 buwanang hulog na walang patlang at siya ay walang utang. Kailangang ipagpatuloy ang pagiging miyembro matapos kunin ang impok.)
  • • pag abot sa edad na 60;
  • • mandatory retirement sa edad 65
  • • total disability/insanity;
  • • pagkaalis sa trabaho dahil sa sakit o karamdaman;
  • • pag-alis ng permanente sa Pilipinas; at
  • • pagkamatay.

18. Ano ang makukuha ng miyembro pag natapos na ang kanyang membership?

Makukuha niya ang kanyang kabuuang impok na binubuo ng kanyang buwanang hulog, ang katumbas na kontribusyon ng kanyang employer (kung meron), at dibidendong kinita ng impok.


19. Kung mamatay ang miyembro, ano ang mangyayari sa impok niya?

Tatanggapin ng kanyang mga tagapagmana ang lahat ng kanyang impok pero babawasin ang kanyang mga obligasyon sa Pag-IBIG. Tatanggap din ang kanyang tagapagmana ng karagdagang death benefit.

20. Bakit hinabaan ang panahon ng pagiging myembro ng OFWs?

Sa ilalim ng universal coverage, pareho na ang mga patakaran sa pagiging miyembro sa Pag-IBIG, maging empleyadong lokal o OFW man. Samakatuwid, 20 taon na ang membership term ng lahat ng OFWs. Hindi tulad ng dati na makakapili sila sa 5, 10 o 15 taon ng membership term bilang boluntaryong miyembro.

21. Ano ang Modified Pag-IBIG II Program?

Ang MP2 program ay isang boluntaryong programa na nagbibigay ng mas mataas na dibidendo sa loob ng mas maikling panahon.

Sa ilalim ng programa, maghuhulog ang isang myembro ng hindi bababa sa P500 kada buwan sa loob ng limang taon. Mas mataas ang dibidendong ibibigay sa ilalim ng nasabing programa kumpara sa dibidendo sa regular membership program o Pag-IBIG I.
Buwanang HulogKabuuang impok pagkaraan ng 5 taon*Kabuuang impok pagkaraan ng 10 taon*
P500.00P34,921.79P81,655.02
P1,000.00P69,843.58P163,310.05
P1,500.00P104,765.37P244,965.07
P2,000.00P139,687.16P326,620.10
P5,000.00P349,217.90P816,550.25
* Kung ang itinakdang dividend rating Pag-IBIG ay 6%



Looking for Affordable House and Lot in Bulacan?
You might want to check affordable house and lot in Las Palmas Subdivision Sta. Maria Bulacan

CLICK HERE


Notes:
**Las Palmas Subdivision, is an affordable house and lot in Sta Maria Bulacan.  The Project ranges from 600k+ to 800k+ only, with a monthly amortization of 4-5K only.


1 comment:

  1. Personal Loan Philippines, Car Loan, Personal Loan Lenders Philippines, Salary Loan, Personal Loan Philippines Low Interest.
    Just simply search LOAN SOLUTIONS PH on google. Applying for loans in the Philippines just got easier!

    ReplyDelete